Pastor Edgar Caina
Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain. (2 Timoteo 3:16-17)
Ano mang paniwalaan natin ay dapat na nakasalig sa isang mapagkakatiwalaang saligan. Hindi tayo agad naniniwala sa isang balita,lalo na kung ito’y isang seryosong balita, kung ang pinagmulan ay hindi katiwa-tiwala. Bago natin tanggapin o paniwalaan ang isang balita, mpormasyon o katuruan, tiyakin natin na ang pinagmulan ay isang katiwa-tiwalang pinagmulan.
Sa ating mga Cristiano, ano ba ang pinakamataas na kapangyarihan (authority) na siyang saligan ng ating paniniwala at mga gawain bilang Cristiano? Ang tanging sagot sa tanong na iyan ay walang iba dapat kundi ang Biblia. Kung tayo ay naniniwala na ang Biblia ay ang KINASIHANG (inspired) Salita ng Diyos, samakatwid ito ang dapat na pinakamataas na kapangyarihan at batayan kung ang pananampalataya at gawaing Cristiano ang pag-uusapan. Lahat ng nauukol sa pananampalatayang Cristiano ay dapat na nasasalig sa Salita ng Diyos o sa mga prinsipyo ng Salita ng Diyos. Dahil ang Salita ng Diyos ay tabak ng Espiritu Santo (Efeso 6:17), may mga Cristiano na nagsasabi na mas dapat na pakinggan at sundan ang galaw Espiritu Santo sapagkat ang tabak ay sandata lamang at ito’y walang kuwenta kung wala ang gumagamit sa sandatang ito.. Subalit ang kaisipang iyon ay lubhang mali. Hindi intension ni Apostol Pablo na paghiwalayin ang Salita ng Diyos at ang Espiritu Santo nang banggitin niya ang Efeso 6:17. Ang binibigyang diin ni Apostol Pablo sa Efeso 6:17 ay ang kahalagahan ng Salita ng Diyos sa buhay ng bawat Cristiano yamang sila ay nasa pakikipagbakang espirituwal. Sa katunayan, ang Salita ng Diyos ay “kinasihan” o “inihinga” ng Diyos kaya hindi maaaring sabihin na ito’y walang kuwenta kung wala ang Espiritu Santo. Kung wala ang Espiritu Santo HINDI mga salita ng Diyos ang nakasulat sa Biblia. Kaya lamang naging Sslita ng Diyos ang bawat salitang nakasulat sa Biblia ay sa dahilang ang mga ito’y ibinigkas sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Sa madaling sabi, walang tubig na hindi basa. Kapag sinabing tubig, antimano alam natin na iyon ay basa (wet). Gayun din naman, kapag sinabing Salita ng Diyos, antimano alam natin na iyon ay nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Walang Salita ng Diyos na wala ang Espiritu Santo sapagkat ang lahat ng Kasulatan ay KINASIHAN (theopneustos sa Griego) ng Diyos na ang ibig sabihin ay “inihinga ng Diyos” (God-breathed). Ang salitang “hininga” at “espiritu” ay “pneuma” sa Griego. Ang “theopneustos” ay pinagsamang “theo” (Diyos) at “pneuma” (espiritu o hininga), kaya ito’y “inihinga ng Diyos” or “God-breathed.”
Nakalulungkot kapag ang mga Cristiano ay lumalayo mula sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos at tumatalima sa sariling mga pangangatuwiran at mga karanasan bilang saligan ng kanilang katuruab at mga gawain. Minsan sa pagnanais na bigyang katwiran ang isang kaisipan o karanasan, kumukuha ang ibang Cristiano ng mga talata sa Biblia na wala sa konteksto upang gamitin bilang mga “pruweba” upang patunayan na ang nasabing kaisipan o karanasan ay biblical. Ang ilan na lubhang bulag na sa pandaraya ni Satanas ay itinatanggi ang Biblia bilang siyang pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at Gawain at iginigiit na ang Espiritu Santo ay maaaring magpahayag ng mga bagay na KAKAIBA o TALIWAS sa mga nasulat sa Biblia. May grupo (ang School Of Apostolic Revival) dito sa Filipinas na dati silang mga evangelical ngunit nahulog sa ganitong pandaraya ni Satanas at ngayon ay hindi na pinagdadala ng Biblia ang kanilang mga miyembri sapagkat ayon sa kanila, ang Diyos ay nagpapahayag ng mga salita sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta at ang tanging kailangan ng iglesia ay ang makinig sa mga propetang ito. Ngunit ang ganitong sistema ay lubhang mapanganib sapagkat paano sila nakatitiyak na ang Espiritu Santo nga ang nangungusap sa pamamagitan ng kanilang mga “propeta”?
Simula ng ang Biblia ay umiral, napagpala nito ang mga Cristiano sa maraming kaparaanan. Bumago ito ng napakaraming buhay sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang Biblia rin ay naging mitsa ng maraming pagkagising na espirituwal (revival) na kung saan maraming tao ang nahugot mula sa kadiliman tungo sa kaliwanagan. Bagamat kailangan natin ang pangangatwiran at karanasan, ang mga ito ay hindi maaaring maging kapalit ng Salita ng Diyos bilang PINAKAMATAAS na kapangyarihan para sa ating pananampalataya at mga gawaing Cristiano. Anumang kaisipan, katuruan, at sistema o gawain ng mga Cristiano na hindi masusuportahan ng matinong paliwanag mula sa Banal na Kasulatan ay dapat tanggihan. Laging may nakaambang panganib na espirituwal doon sa mga Cristianong hindi nagpapasakop sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos. – Pastor Edgar Caina

No comments:
Post a Comment