Wednesday, August 26, 2009

The God of the Hebrews: A Collection of Quotes

The God of the Hebrew People

I turn now from the form of the literature to its content. No area of Hellenistic culture influenced the Jews as much as philosophy. The God of the Hebrew Bible is very different from the supreme God of Plato and Aristotle. The former is a anthropomorphic being capable of anger, joy and other emotions, who created the world and continues to direct human affairs. The God of the philosophers, however, was a much less human and much more abstract figure, incapable of emotion, and far removed from the daily concerns of humanity (see chapter 3). Many Jews tried to combine these two conceptions, or, more precisely, to interpret the God of the Bible in the light of the ideas of the philosophers, especially Plato. In his numerous essays on the Torah, Philo tried to demonstrate that the God of Judaism was very like the God of Plato, and that the stories of Genesis were not mere amusing diversions but hid profound philosophical truths. This approach to scripture was developed even further by Origen, Ambrose, and other fathers of the church, but its first great exponent was Philo and its origins reach back to Alexandrian Jewry of the third century B.C.E. (Cohen, Shaye J. D. From the Maccabees to the Mishnah. Philadelphia, Pennsylvania: The Westminster Press, 1986) p. 44.

The God of the Philosophers vs. the God of the Bible

The God of the Hebrew Bible is for the most part an anthropomorphic and anthropopathic being, that is, a God who has the form and emotions of humans. He (it is a he) walks and talks, has arms and legs, becomes angry, happy, or sad, changes his mind, speaks to humans and is addressed by them, and closely supervises the affairs of the world. The God of philosophers is a different of being altogether: abstract (the Prime Mover, the First Cause, the Mind or Soul of the Universe, etc.), immutable, and relatively unconcerned with the affairs of humanity. The tension between these rival conceptions of the Deity is evident in the work of Philo, who is able to find a philosophically respectable God in the Torah only through allegorical exegesis (see chapter 6). Philo is particularly careful to sanitize the anthropomorphic and anthropopathic passages. In the land of Israel the pressure to interpret the Bible in this fashion was less intense, but even here many of the Targumim, the Aramaic translations of scripture, reduce or eliminate the scriptural anthropomorphisms.

Perhaps some Jews were concerned about the very unphilosophical image of God in the Hebrew scriptures, but most Jews were not. Apocalyptic visionaries and mystics persisted in seeing God sitting on his throne surrounded by his angelic attendants. The rabbis had no difficulty in believing in a God who loves and is loved and with whom one can argue. The masses needed (and need!) a God who is accessible and understandable. In the fourth century most of the monks in Egypt understood the anthropomorphisms of scripture literally. After all, God declares, “Let us make man in our image” (Gen. 1:26), proof that the image of man is the image of God. After hearing a pastoral letter from the bishop of Alexandria and a sermon from his abbot whish insisted that the scriptural anthropomorphisms were to be understood allegorically because God has no shape, one elderly monk arose to pray but could not. “Woe is me! They have taken my God away from me!” he wailed. Popular piety does not need or want an immutable and shapeless Prime Mover; it wants a God who reveals himself to people, listens to prayer, and can be grasped in human terms. This is the God of the Shema, the Bible and liturgy. This is the God of practically all the Hebrew and Aramaic, and some of the Greek, Jewish literature of antiquity. It is not, however, the God of the philosophers. (Cohen, Shaye J. D. From the Maccabees to the Mishnah. Philadelphia, Pennsylvania: The Westminster Press, 1986) pp. 86-87.

The Midrash abounds upon this subject (i.e. Mercy). God lamented the severe sentence he had to pass on Adam; he mourned for six days before the flood; the death of Nadab and Abihu was twice as hard for him as even for their father Aaron. God himself suffers in the suffering of men: ‘In all their affliction he was afflicted,’ etc. (Isa. 63:9). He was with Israel in Egypt; he went into exile with them to Babylon, and was delivered with them... These illustrations from a single compilation of “sermon stuff” suffice. The humanity of God is, indeed, written all over the revelation as it was read by philosophically unsophisticated men; the preachers at most did no more than to seek to improve less obvious texts. Often they also held up this side of God’s character as an example for man’s imitation and a motive to it. (Moore, George Foot. Judaism In the First Centuries of the Christian Era. 2 Vols. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press, 1927) pp. 393-394.

The God of the Bible is in its own expressive phrase a ‘live God,’ that does things; Philo’s God is pure Being, of which nothing Can be predicated but that It is, abstract static Unity, eternally, unchangeably the same; pure immaterial intellect. (Moore, George Foot. Judaism In the First Centuries of the Christian Era. 2 Vols. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press, 1927) p. 416.

The philosophical horror of ‘anthropomorphisms’ which Philo and Maimonides entertained was unknown to the Palestinian schools. They endeavored to think of God worthily and to speak of him reverently; but their criterion was the Scripture and the instinct of piety, not an alien metaphysics. (Moore, George Foot. Judaism In the First Centuries of the Christian Era. 2 Vols. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press, 1927) p. 438.

Friday, July 31, 2009

Susi Sa Paglagong Espirituwal

Pastor Edgar Caina

Tayong mga Cristiano ay inaasahan ng Diyos na lumago sa ating buhay espiritual. Hindi kalooban ng Diyos para sa isang Cristiano ang manatili lamang na sanggol sa buhay spiritual habang panahon. Nais ng Diyos na makita ang bawat anak niya na umuusad sa pananampalataya kung paano ang mga araw ng taon ay umuusad. Pansinin ang mga paghihikayat na lumago mula sa Biblia:

Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa gatas na espirituwal upang umunlad sa pananampalataya hanggang kamtan ang ganap na kaligtasan. (1 Pedro 2:2)

Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. (2 Pedro 3:18)

Gayun din naman, ang Biblia ay maka-ilang ulit na nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa di paglago ng mga Cristiano:

Mga kapatid, hindi ko kayo makausap tulad ng ginagawa ko sa mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay ayon sa laman, mga sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo. 2Binigyan ko kayo ng gatas, hindi matigas na pagkain, sapagkat ito’y hindi pa ninyo kaya. At hindi pa ninyo kaya hanggang ngayon 3sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Mayroon pa kayong inggitan at alitan, at iya’y nagpapakilalang makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. (1 Corinto 3:1-3)

Dapat sana’y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo’y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin ng salita ng Diyos. Ang dapat sana sa inyo’y matigas na pagkain, ngunit hanggang ngayon, gatas pa ang inyong kailangan. (Hebreo 5:12)

Ang isa sa mga hakbang na dapat isagawa nating mga Cristinao upang lumago sa buhay spiritual ay ang pagiging matalino o marunong sa pamumuhay. Kinakailangan ang ganitong kaispan sapagkat kung tayo’y patuloy na mamumuhay na walang praktikal na karunungan, maaaring magugol natin ang ating mga araw sa mga bagay na walang kabuluhan at ang magdurusa ay ang ating buhay spiritual. Sa Efeso 5:15,16, ganito ang utos sa atin: “Kaya’t ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang.” Ito’y hindi isang mungkahi. Ito’y isang utos! Tayong mga Cristiano ay nararapat na mamuhay na may katalinuhan at hindi parang mangmang. At ang isang praktikal na hakbang sa pamumuhay na may katalinuhan ay ang pagiging mapagmatiyag sa mga araw na lumilipas. Sa Awit 90:12, ang panalangin ni Moises ay ganito: “Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.” Tayo ay nagiging matalino sa pamumuhay espiritual kapag ating minamatyagan ang bawat araw na lumilipas. Hindi dapat masayang ang mga araw na dumaraan na hindi tayo nakagagawa ng anumang gawaing espirtual para sa kapakanan ng ating kaluluwa at relasyon sa Diyos.

Anu-ano ba ang mga gawaing espiritual na dapat na NANGINGIBABAW sa ating buhay? Una, PAGBABASA NG BIBLIA. Ang pagbabasa ng Biblia at pag-aaral nito ay dapat na maging pinakamahalagang gawain natin sa araw-araw. Ang pagbabasa ng Biblia ay hindi tulad ng pagbabasa ng ordinaryong aklat. Ang Biblia ay dapat basahin na may PAGGALANG. Kung paano natin iginagalang ang Diyos ganun din ang maging saloobin natin sa tuwing tayo’y magbabasa ng Biblia. Ang Biblia’y kailangan ding basahin ng MATAIMTIM, ibig sabihin dapat na isaisip at isaloob ang binabasa. Sa ganitong paraan natin napapakain nang wasto an gating kaluluwa.

Pangalawa, ang PANANALANGIN. Walang Cristianong maaaring maging matagumpay sa pamumuhay espirituwal na wala ang pananalangin. Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay ang tanging paraan upang tayo ay may magkaroon ng panibagong sigla. Ang kakulangan sa pananalangin ay karaniwang dahilan ng kakulangan upang epektibong makapamuhay bilang Cristiano.

At Pangatlo, ang GAWA NG ESPIRITU SANTO SA ATING BUHAY. Kung wala ang Espiritu Santo, wala ring buhay. Siya ang nagbigay buhay sa atin nang tayo ay ipanganak na muli: "Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu" (Juan 3:6). Kailangan natin ang patuloy na kapuspusan ng Espiritu Santo upang ang ating paglago ay may patnubay at guwardiyado ng Espiritu Santo. May mga taong nagbabasa ng Biblia subalit kailanman ay hindi nakamtan ang buhay na kaloob ng Diyos. May mga tao na lagiang nananalangin ngunit hindi rin nagkamit ng buhay na walang hanggan. Kung ang pagsasagawa natin ng dalawang nauna ay walang gabay at buhay ng na kaloob ng Espiritu Santo, ang paglagong espirituwal ay hindi rin makakamtan. Kailangan natin ang buhay na puspos ng Espiritu Santo sapagkat siya ang lumikha ng buhay espirituwal na nais nating luamgo.

Ang tatlong ito ang SUSI SA PAGLAGO kay Hesu-Cristo. Sa tatlong iyan nakasalalay ang tagumpay sa paglagong espirituwal. Wala ng hihigit pa para sa isang Cristiano kundi ang lumago tungo sa pagiging tulad kay Hesu-Cristo. At ang Biblia, panalangin, at ang Espiritu Santo ang susi tungo sa pagiging tulad Niya.

Ang Kapangyarihan ng Biblia

Pastor Edgar Caina

Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain. (2 Timoteo 3:16-17)

Ano mang paniwalaan natin ay dapat na nakasalig sa isang mapagkakatiwalaang saligan. Hindi tayo agad naniniwala sa isang balita,lalo na kung ito’y isang seryosong balita, kung ang pinagmulan ay hindi katiwa-tiwala. Bago natin tanggapin o paniwalaan ang isang balita, mpormasyon o katuruan, tiyakin natin na ang pinagmulan ay isang katiwa-tiwalang pinagmulan.

Sa ating mga Cristiano, ano ba ang pinakamataas na kapangyarihan (authority) na siyang saligan ng ating paniniwala at mga gawain bilang Cristiano? Ang tanging sagot sa tanong na iyan ay walang iba dapat kundi ang Biblia. Kung tayo ay naniniwala na ang Biblia ay ang KINASIHANG (inspired) Salita ng Diyos, samakatwid ito ang dapat na pinakamataas na kapangyarihan at batayan kung ang pananampalataya at gawaing Cristiano ang pag-uusapan. Lahat ng nauukol sa pananampalatayang Cristiano ay dapat na nasasalig sa Salita ng Diyos o sa mga prinsipyo ng Salita ng Diyos. Dahil ang Salita ng Diyos ay tabak ng Espiritu Santo (Efeso 6:17), may mga Cristiano na nagsasabi na mas dapat na pakinggan at sundan ang galaw Espiritu Santo sapagkat ang tabak ay sandata lamang at ito’y walang kuwenta kung wala ang gumagamit sa sandatang ito.. Subalit ang kaisipang iyon ay lubhang mali. Hindi intension ni Apostol Pablo na paghiwalayin ang Salita ng Diyos at ang Espiritu Santo nang banggitin niya ang Efeso 6:17. Ang binibigyang diin ni Apostol Pablo sa Efeso 6:17 ay ang kahalagahan ng Salita ng Diyos sa buhay ng bawat Cristiano yamang sila ay nasa pakikipagbakang espirituwal. Sa katunayan, ang Salita ng Diyos ay “kinasihan” o “inihinga” ng Diyos kaya hindi maaaring sabihin na ito’y walang kuwenta kung wala ang Espiritu Santo. Kung wala ang Espiritu Santo HINDI mga salita ng Diyos ang nakasulat sa Biblia. Kaya lamang naging Sslita ng Diyos ang bawat salitang nakasulat sa Biblia ay sa dahilang ang mga ito’y ibinigkas sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Sa madaling sabi, walang tubig na hindi basa. Kapag sinabing tubig, antimano alam natin na iyon ay basa (wet). Gayun din naman, kapag sinabing Salita ng Diyos, antimano alam natin na iyon ay nagtataglay ng Espiritu ng Diyos. Walang Salita ng Diyos na wala ang Espiritu Santo sapagkat ang lahat ng Kasulatan ay KINASIHAN (theopneustos sa Griego) ng Diyos na ang ibig sabihin ay “inihinga ng Diyos” (God-breathed). Ang salitang “hininga” at “espiritu” ay “pneuma” sa Griego. Ang “theopneustos” ay pinagsamang “theo” (Diyos) at “pneuma” (espiritu o hininga), kaya ito’y “inihinga ng Diyos” or “God-breathed.”

Nakalulungkot kapag ang mga Cristiano ay lumalayo mula sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos at tumatalima sa sariling mga pangangatuwiran at mga karanasan bilang saligan ng kanilang katuruab at mga gawain. Minsan sa pagnanais na bigyang katwiran ang isang kaisipan o karanasan, kumukuha ang ibang Cristiano ng mga talata sa Biblia na wala sa konteksto upang gamitin bilang mga “pruweba” upang patunayan na ang nasabing kaisipan o karanasan ay biblical. Ang ilan na lubhang bulag na sa pandaraya ni Satanas ay itinatanggi ang Biblia bilang siyang pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at Gawain at iginigiit na ang Espiritu Santo ay maaaring magpahayag ng mga bagay na KAKAIBA o TALIWAS sa mga nasulat sa Biblia. May grupo (ang School Of Apostolic Revival) dito sa Filipinas na dati silang mga evangelical ngunit nahulog sa ganitong pandaraya ni Satanas at ngayon ay hindi na pinagdadala ng Biblia ang kanilang mga miyembri sapagkat ayon sa kanila, ang Diyos ay nagpapahayag ng mga salita sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta at ang tanging kailangan ng iglesia ay ang makinig sa mga propetang ito. Ngunit ang ganitong sistema ay lubhang mapanganib sapagkat paano sila nakatitiyak na ang Espiritu Santo nga ang nangungusap sa pamamagitan ng kanilang mga “propeta”?

Simula ng ang Biblia ay umiral, napagpala nito ang mga Cristiano sa maraming kaparaanan. Bumago ito ng napakaraming buhay sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang Biblia rin ay naging mitsa ng maraming pagkagising na espirituwal (revival) na kung saan maraming tao ang nahugot mula sa kadiliman tungo sa kaliwanagan. Bagamat kailangan natin ang pangangatwiran at karanasan, ang mga ito ay hindi maaaring maging kapalit ng Salita ng Diyos bilang PINAKAMATAAS na kapangyarihan para sa ating pananampalataya at mga gawaing Cristiano. Anumang kaisipan, katuruan, at sistema o gawain ng mga Cristiano na hindi masusuportahan ng matinong paliwanag mula sa Banal na Kasulatan ay dapat tanggihan. Laging may nakaambang panganib na espirituwal doon sa mga Cristianong hindi nagpapasakop sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos. – Pastor Edgar Caina